ARESTADO | Isang abortionist, kalaboso sa Rodriguez, Rizal

Rizal – Hindi na nakapalag pa ang isang “abortionist” matapos itong masakote sa Rodriguez, Rizal.

Sa ulat, nagsagawa ng search operations ang pulisya sa bahay mismo ng suspek na si Randy Picardal alyas “Tata” sa Sitio Hamuyan, Barangay San Jose.

Narekober sa bahay nito ang isang sako ng madugo at gamit na diaper, kasama na ang isang bote na naglalaman ng pitong buwang fetus.


Ayon sa mga kapitbahay ng suspek, maraming babaeng pumapasok sa bahay ni Picardal kung saan karamihan ay mga estudyante.

Nabatid pa na kilalang faith healer si Picardal sa kanilang lugar pero hindi alam ng kapitbahay nito na isa pala siyang abortionist.

Narekober din ng pulisya kay Picardal ang dalawang hindi lisensiyadong baril.

Facebook Comments