ARESTADO | Isang lalaki, kalaboso matapos mahulihan ng iligal na droga sa Valenzuela City

Valenzuela City – Kalaboso ang isang 26-anyos na lalaki matapos na masita habang naninigarilyo sa gilid ng kalsada sa Valenzuela City.

­Bukod sa kasong paninigarilyo sa pampublikong lugar, nakapkapan pa ng isang plastic sachet ng ­shabu si Norman Franco.

Sa ulat, unang nasita si Franco na nagyo-yosi sa kahabaan ng JP Rizal Street, Barangay Karuha­tan, Valenzuela City.


Dahil sa ipinatutupad na ordinansa na bawal manigarilyo sa mga pampublikong lugar sa lungsod, sinita nila ang suspek at nang kapkapan ay nakuha sa kanyang bulsa ang isang plastic sachet na may lamang shabu.

Nadiskubre naman na dati nang naaresto si Franco noong Hunyo 2017 dahil sa kaso ng iligal na droga.

Facebook Comments