ARESTADO | Mag-asawa, sugatan matapos saksakin ng kapitbahay nilang magnanakaw

47

Valenzuela City – Sugatan ang isang mag-asawa matapos na saksakin ng kanilang magnanakaw na kapitbahay sa Valenzuela City.

Patuloy na inoobserbahan sa Fatima Medical Center ang mga biktimang sina Marlyn at Oscar Borja na residente ng Block 12, Lot 21, Northville 11, Barangay Bignay ng nasabing lungsod.

Nagtamo nang saksak sa dibdib si Marlyn habang may malalim na sugat sa ulo si Oscar nang saksakin ng suspek na si Noriel Alibadbad.

Sa ulat, pinasok ni Ali­badbad ang bahay ng mag-asawang at kinuha ang mga nakatambak na bakal pero nagising ang mga biktima kaya at sinaksak niya ito.

Nasakote naman sa follow-up operation si Alibadbad na nakatambay sa kanilang lugar at nakuha mula sa kanya ang patalim na ginamit sa krimen.

Facebook Comments