Quezon City – Huli sa operasyon ng Quezon City Police Department (QCPD) ang mag-iinang suspek sa iligal na droga sa Barangay San Martin De Porres sa Cubao, Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Elvira Manansala at mga anak niyang sina Marlon at Marjorie Elpa.
Bitbit ang search warrant, sangkaterbang shabu na nagkakahalaga ng P26,000 ang nasamsam ng mga pulis sa ikatlong palapag ng bahay na nagsisilbi nilang drug den.
Ayon kay QCPD district Director Police C/ Supt. Guillermo Eleazar – ginawa nang negosyo ng pamilya Manansala ang pagbebenta ng iligal na droga.
Napag-alaman din na dalawang taon pa lang nakakalaya si Elvira dahil sa kaso ng iligal na droga.
Itinanggi naman ng mag-iina na nagbebenta sila ng shabu pero aminadong gumagamit sila nito.