ARESTADO | Motorcycle rider na nakabangga at nakapatay sa isang lola sa Malabon City, huli

Malabon City – Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang 71-anyos na lola matapos na mabundol ng humaharurot na motorsiklo sa Malabon city.

Sa ulat, tumatawid ang biktimang si Cristeta Alonzo sa pedestrian lane sa tapat ng isang eskwelahan sa Leono Street nang masalkpok ito ng motorsiklong minamaneho ni Joserpino Binua.

Tumilapon sa kalsada ang matanda at nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan.


Agad na isinugod sa ospital ng Malabon ang biktima pero hindi na naisalba ang buhay nito.

Nadakip naman ang motorcycle rider na hindi na nakatakbo matapos na sumemplang at magtamo rin ng mga sugat.

Facebook Comments