ROAD CRASH | Isang lalaki, patay sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Davao City

Davao City – Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki matapos ang banggaan ng tatlong sasakyan sa Mc Arthur Highway, Sto.NiƱo, Barangay Binugao, Toril, Davao City.

Nakilala ang nasawi na si Albert Gamil Bayer, 24 anyos, residente ng Barangay Lubugan, Toril.

Sakay sa closed cab si Bayer na minamaneho ng hindi pa nakilalang driver, at nang mag-u-trun ay nasagi ito ng humaharurot na pamapasaherong van na minaneho ni Jeffrey Flores na papunta sanang Midsayap, Cotabato.


Sa lakas ng impact ay tumilapon sa kabilang lane ang closed cab at nahulog ang driver nito samantalang si Bayer ay naiwan sa tricycle na muling nabangga ng isa pang sasakyan na gamit naman ni Marie Fe Bihag Main.

Kaagad namang dinala sa Southern Philippines Medical Center si Bayer ngunit idineklara na itong patay ng mga doktor.

Patuloy na pinaghahanap ang tumakas na closed cab driver na bigla na lamang nawala matapos ang insidente.

Facebook Comments