ARESTADO | NDF consultant Vic Ladlad, huli sa QC

374

Nalambat ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at QCPD si NDF Consultant Vic Ladlad.

Ito ang kinumpirma ng isang mataas na opisyal ng PNP na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Batay sa impormasyon alas tres ng madaling araw kanina nang arestuhin si Ladlad sa looban ng kanyang bahay sa San Bartlolome Novaliches, Quezon City sa pamamagitan ng arrest at search warrant.

Bukod sa ilan pang kasama ni Ladlad na inaresto ng AFP-PNP nakuhanan din ito ng di pa mabatid na bilang ng at klase ng baril.

Si Ladlad na isang political prisoner noong panahon ng martial law ay nahaharap din sa patung-patong na kasong kriminal mula pa noong 1984.

Facebook Comments