Manila, Philippines – Nagbanta ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga real property owner na ipasusubasta nila ang mga ari-arian kung hindi magbabayad ng buwis bago ang buwan ng hunyo ngayong taon.
Sa ngayon ay nagpapadala na sila ng notice sa 89,000 delinquent tax payers para bayaran na ang kanilang mga utang.
Ayon kay Manila City Treasurer Rizal Del Rosario, kung hindi pa rin makapagbabayad, dalawang notice pa ang ipadadala sa mga ito bago tuluyang magtakda ng public auction sa gitna ng taon.
Sa talaan ng city treasurer office, aabot sa 16 billion pesos ang real property tax na hindi pa rin nababayaran sa ngayon.
Facebook Comments