Armadong grupo na nakasagupa ng militar, hindi mga taga-Bohol ayon kay Bohol Governor Edgar Chatto

Cebu, Philippines – Kinumpirma ni Bohol Governor Edgar Chatto na hindi Boholano speaking ang mga armadong lalaki na dumating sa Sitio Ilaya, Barangay Napo, Inabangga, Bohol kagabi.

Dahil dito, naniniwala si Chatto na hindi taga-Bohol ang armadong grupo na lulan ng tatlong bangka na dumaan sa ilog ng Barangay Napo at tumuloy sa tatlong bahay sa nasabing barangay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang firefight sa pagitan ng armadong grupo, kasundaluhan at kapulisan mula sa Bohol Provincial Police Office.


Inihayag ng Police Regional Office -7 na ala-una ngayong hapon, limang bangkay ang narecover sa area na hindi muna pinangalanan, ngunit sinasabing tatlo nito ay mga sundalo, isang PNP at isa mula sa armadong grupo.

Kabilang sa narecover ang mga high powered firearms, dalawang m 16 rifle at isang m4.

Samantala, ayon kay Governor Chatto na may evacuation centers na rin para sa mga residente ng Barangay Napo at sa kalapit na barangay na apektado sa bakbakan.

Simula kaninang umaga nang marinig ang putukan ay may mga residente nang lumikas dahil sa takot na maipit sa bakbakan.

Facebook Comments