Armas na Hinihinalang Pagmamay-ari ng NPA, Isinuko ng Mamamayan

Cauayan City, Isabela- Isang mataas na kalibre ng armas ang kusang isinuko ng isang mamamayan sa mga kasundaluhan na nagsasagawa ng Community Support Program (CSP) sa Barangay San Ramos, Nagtipunan, Quirino.

Ang M16 rifle na isinuko sa tropa ng 86th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division, Philippine Army ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ng isang kasapi ng NPA sa ilalim ng Rehiyon Sentro de Grabidad, Komiteng *Rehiyon* Cagayan Valley (KR-CV).

Ayon sa sibilyan, natagpuan nito ang baril sa lugar kung saan nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng tropa ng 86th IB at New People’s Army (NPA) na kanyang itinago simula pa noong taong 2017.


Pinasalamatan naman ni BGen Laurence E Mina, Commanding General ng 5ID, ang mga residente sa lugar dahil sa ipinapakitang pakikiisa at pakikipagtulungan sa mga sundalo na naka-deploy sa Quirino.

Nasa pangangalaga ngayon ng 86th IB ang nasabing baril para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments