Ito ay sa tulong ng mga dating rebelde na sina Alias Lawin and alias Leen na nagturo sa imbakan ng kanilang mga armas sa nasabing lugar.
Sa impormasyong ibinahagi ng 5th Infantry Division, narekober ng militar ang tig- isang (1) M16A1 rifle, M14 rifle, M653 rifle, dalawang (2) AK47 rifles, isang (1) FAL rifle 4.62mm, isang (1) cal. 38 revolver at cal. 45 pistol, tig- dalawang (2) magazines ng M14 rifle, at AK47, tig- isang magazine ng M16 rifle, at cal. 45, 34 piraso ng bala ng M14, ilang piraso ng bala din ng cal. 45, M16 rifle, AK47, at mga subersibong dokumento.
Nagpasalamat naman si LtC Joeboy Kindipan, Battalion Commander ng 77IB sa pakikiisa ng mga dating rebelde ganun din sa mga mamamayan sa barangay.
Ayon naman sa pinuno ng 5ID na si MGen Laurence E Mina, nagpapatunay lamang aniya na matagumpay at epektibo ang whole-of nation approach ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tulong na rin ng mga former rebels sa paglaban sa insurhensiya.