EJ Obiena, nakapagtala ng bagong national indoor pole vault record

Muling binasag ni EJ Obiena ang kaniyang sariling national indoor pole vault record kasunod ng ipinamalas sa World Athletics Indoor Tour Silver sa Rouen, France.

Ito ay matapos niyang makapagtala ng 5.91 meters para higitan ang naunang record na 5.86 meters na nakuha sa Orlen Cup sa Poland noong Pebrero 2021.

Samantala, nanguna naman sa kompetisyon si Christopher Nielsen ng USA na nakapagtala ng 6.05 meter vault at pumangatlo si Thiago Braz ng Brazil na may 5.91 meters din.


Ito ang season best ni Obiena matapos makakuha rin ng 5.81 meters sa title-winning performance sa Orlen Cup 2022 noon lamang nakaraang buwan.

Facebook Comments