Una rito, ipinagbigay alam sa awtoridad ng mga residente ang kinaroroonan ng itinagong armas ng mga rebeldeng grupo na agad namang inaksyunan ng kasundaluhan na nagresulta ng pagkakadiskubre sa dalawang M16 A1 rifles, isang (1) improvised Garand rifle at clip ammunition.
Ayon sa mga residente, na kaya nila ibinigay ang impormasyon sa mga awtoridad ay upang hindi na makalapit sa kanilang barangay ang mga miyembro ng rebeldeng grupo.
Isa rin itong manipestasyon na ayaw ng mga residente ang anumang presensya ng mga komunista sa kanilang komunidad at ang pagbibigay impormasyon ay bahagi umano ng kanilang responsibilidad sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa kanilang lugar.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si MGen. Laurence Mina, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa mga tao sa lugar dahil sa kanilang kooperasyon upang wakasan ang local communist armed conflict.
Nagpasalamat rin ito sa patuloy na pagbibigay impormasyon na makakatulong sa tao laban sa banta ng mga grupo ng terorista.
Hinimok ng opisyal ang lahat na sama-samang kamitin ang kapayapaan, pag-unlad ng komunidad at ng mga hinaharap na henerasyon.