Isang OFW, nagbigti habang naka-quarantine sa hotel sa Pasay

7840

Isang Overseas Filipino Workers (OFW) ang natagpuang nakabigti habang naka-quarantine sa isang hotel sa MOA Complex, Pasay City.

Kinakatok ito ng tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kanyang unit sa Citadine Hotel para maghatid ng pagkain subalit hindi nito binubuksan ang pinto.

Bunga nito, nakipag-ugnayan ang OWWA personnel sa mga staff ng hotel at nang mabuksan ang pinto at nakita ang OFW na nakabigti sa shower room.


Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operative (SOCO), Pasay City.

May handang makinig sa’yo. National Mental Health Crisis hotlines 0917-899-USAP (8727) and 7-989-USAP (8727).

Facebook Comments