Baron Geisler, babasahan na ng sakdal sa piskalya

Manila, Philippines – Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa City Prosecutors office ang actor na si Baron Geisler para sa mga kasong alarm and scandal at unjust vexation.

Nag-ugat ito sa pagwawala at paninigaw ni Baron sa ilang customers, security guards at sa general manager isang resto-bar sa Tomas Morato Avenue.

Bagamat naka banned o bawal si Baron na pumasok sa Thanks God its Friday resto bar. Ala sais kagabi nang pumasok si Baron sa retor bar. Dahil nakapasok na at itsurang kalmado,pinabayaan na lamang siyang manatili sa kaniyang kinuhang puwesto.


Pero noong bandang alas-9, naging bastos na ito, nagmura at nagtulak na ito ng security guard.

Sa ngayon ay nag-aantay na lamang ng piskal na magsasagawa ng inquest.

Facebook Comments