Armed Forces of the Philippines, itinangging may karagdagang puwersa ang Maute Group sa Marawi City

Marawi City, Philippines – Nilinaw ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na walang reinforcement ang Maute Group na nasa Marawi.

Ayon kay Padilla, imposibleng magkaroon ng dagdag na puwersa ang teroristang grupo dahil naka-lockdown na ang Marawi City at mahigpit din ang monitoring sa mga entry at exit points ng lugar.

Isa pa aniya, maselan ang isinasagawa nilang operasyon sa apat na barangay ng nasabing bayan na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng Maute Group.


Dagdag pa nito, tinatayang nasa mahighit 100 maute members pa ang nasa Marawi.

Facebook Comments