Binigyang diin ni Department of Environment and Natural Resources – ARMM Secretary Hadji Kahal Q. Kedtag ang pangangailangan na mapaigting ang pangangalaga sa kalikasan kaugnay ng pagdiriwang ng Philippine Environment Month ngayong Hunyo.
Hindi lamang ngayong buwan o isang araw ang mga pagsisikap na mapreserba ang kalikasanm dapat ay ginagawa ito araw-araw ayon pa kay Sec. Kedtag, anya ang buwan na ito ay paalala lamang na dapat ay panatilihin ang healthy ecological condition.
Ngayong buwan, ang DENR-ARMM ay magsasagawa ng serye ng lectures kaugnay ng Philippine Environmental Impact System or PD 1586; 2) Philippine Clean Air Act of 1999 also known as RA 8749; and 3) Philippine Clean Water Act of 2004 or RA 9275.
Sa selebrasyon ng Environment Month ay magsasagawa ng coastal clean-up sa Parang Beach Resort sa katapusan ng buwan.
Magkakaroon din ng Environmental Immersions sa mga piling barangay sa Malabang, Lanao del Sur at Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.
ARMM-DENR, ipinagdidiwang ang World Environment Month!
Facebook Comments