Armored Van bumangga sa poste ng MERALCO, fire hydrant nadamay sa QC

Manila, Philippines – Humingi ng despensa ang driver ng  armored van na umabot ng apat na oras  bago bumaba  Matapos na sumalpok sa poste ng Meralco at nadamay pa ang  Fire Hydrant at pader ng isang bahay sa Hemady Street Brgy. Kristong  Hari QC.

Umabot ng apat oras simula alas onse kagabi hanggang kaninang alas tres ng madaling araw bago bumaba sa Armored van  ang driver na nakilala  sa pangalang Esidro Belsa

Nakilala si Belsa sa pamamagitan nitong Photocopy ng kanyang drivers license at ID.

Bukod kay Belsa ,mayroon pang dalawa itong kasamahan na tagaktak na sa pawis dahil sa apat  oras sa loob ng Armored Van na hindi umaandar ang makina.

Paliwanag ni Belsa Standard Operating Procedure umano sa kanila na hindi basta bumaba sa Armored Van lalot mayroong lamang pera na idedeliver sana sa isang bangko sa Quezon Avenue.

Halos magkasunod nang dumating sa lugar ang mga tauhan ng Meralco at  Maynilad para ayusin ang bumubulwak na tubig mula sa  Fire Hydrant at natumbamg poste ng Meralco.

Napag-alaman na isang retiradong  Prosecutor ang may-ari ng bahay na binangga ng Armored Van ng Armortech International Transporter  Corporation.

Ayon kay  Pasay City retired Prosecutor  Jesus  Tiu,sasampahan pa rin niya ng kaso ang driver ng Armored Van kahit humingi pa rin ito ng paumanhin dahil nawasak ang pader matapos mabangga ng mag overtake at nawalan ng preno ang  Armored Van.


Facebook Comments