Arnold Clavio, na-bash ng fans ni Maine Mendoza dahil sa blind item

Binatikos ang broadcaster na si Arnold Clavio ng ilang fans ni Maine Mendoza dahil sa di-umano’y pasaring nito sa aktres.

Hula kasi ng MAINEnatics, ang iniidolo nila ang subject sa blind item ni Arnold sa kanyang radio show nitong Miyerkules, Hulyo 10.

Ang blind item, #SINO? sikat na aktres na tinangghihan makasama sa isang project ang dati niyang ka-loveteam.


Ang naisip pang dahilan ni Arnold dito ay baka raw may malaking galit sa dating ka-loveteam ang aktres kaya tumanggi, o kaya naman ay gustong magkaroon ng sariling identity, o baka magselos ang real boyfriend ni blind item.

Narito ang reksyon ng mga naniwalang ang Phenomenal star ang tinutukoy ng broadcaster:

Mayroon din namang netizen na tinitimbang pa ang mga bagay-bagay, but still threw shade kay Arnold.

Nanawagan naman ang ibang MAINEnatics sa kampo ng aktres na ipagtanggol ito.

Facebook Comments