Arrest warrant vs Porac Mayor Capil, bigong isilbi ng PNP

Bigong isilbi ng Philippine National Police (PNP) ang arrest warrant laban kay Porac Mayor Jaime ‘Jing’ Capil dahil wala na silang naabutang tao sa nakasarado nitong bahay sa Pampanga kahapon.

Ang nasabing warrant ay inisyu ng Pasig Regional Trial Court para sa 7 counts ng graft.

Samantala, kaninang umaga naman ay no show rin ang nasabing alkalde sa flag raising ceremony sa nasabing bayan.

Ayon sa mga awtoridad, wala nang ibang property sa nasabing probinsya ang alkalde maliban sa bahay nito at sa pwede nyang puntahan na munisipyo.

Ang nasabing pag-aresto ay iniutos ng korte ng Pasig dahil sa umano’y pagpalya nitong i-regulate ang ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) Hub na Lucky South 99.

Facebook Comments