Cebu, Philippines – May paalala si Cebu Archbishop Jose Palma sa mga Katoliko na dumalo sa mga aktibidad ng simbahan at maglaan ng oras sa pagdarasal at penitensiya imbis na samantalahin ang bakasyon para mag-beach outing ngayong Semana Santa.
Sa mensahe nito sa Palm Sunday kahapon, sinabi nito na dapat gawing balanse ang mga gagawin ngayong Semana Santa dahil maaari namang magpunta sa ibang mga lugar kapag tapos na itong dumalo sa mga relihiyosong aktibidad o kung saan man magpunta ay hindi kakaligtaan na magpunta sa mga simbahan.
Sa kaniyang homily, hinimok ni Palma ang mga katoliko na gawing banal ang buhay na kaloob ng Diyos kapalit ng kaniyang buhay nang ito ay mamatay sa pagpapapako sa krus na ating gugunitain ngayong Semana Santa.
Nation”