Nagtungo ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa mga community pantry sa Quezon City.
Ito’y upang paalalahanan ang mga opisyal ng barangay na walang dapat kuhaning anumang permit ang mga organizer ng community pantry.
Pinayuhan rin ni ARTA Director General Atty. Jeremiah Belgica si Brgy. Chairman Lolita Singson na tiyakin lamang ang health and safety protocols ng mga magtutungo sa community pantry, na tiniyak naman sa kaniya ng kapitana.
Facebook Comments