ARTA, ikinalugod ang umano’y bumubuting internet speed sa Pilipinas

Ikinalugod ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang ipinapakitang pagbuti ng internet speed sa bansa.

Ayon kay ARTA Secretary Jeremiah Belgica, patuloy na umaangat ang global internet speed rankings ng Pilipinas.

Batay sa report ng Ookla noong Abril, ang Pilipinas ay pang 84th place sa mobile internet speeds at pang 80th place sa fixed broadband speeds.


Ito’y kung ikukumpara noong January kung saan ay tumaas ang puwesto ng Pilipinas mula 111th patungong 86th place.

Sinabi ni Belgica na nakikita na ang magandang resulta ng kanilang Joint Memorandum Circulars noong July 2020 sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at iba pang agencies na nagpabilis sa proseso ng pagkuha ng permit sa construction ng mas maraming cell site towers.

Kung dating inaabot ito ng siyam na buwan, napaikli na lang ito sa 16 na araw.

Ani Belgica, isa itong malaking tulong sa mga kababayan natin na nagwo-work from home at nag-o-online classes.

Facebook Comments