Netherlands – Itinanggi ng artist na gumawa ng estatwa ng babaeng oblation na kinopya niya ang kanyang obra.
Ginawa ni Ferdinand Cacnio ang ‘uplift’ sa UP Diliman na kung saan isa itong sculpture ng hubad na babaeng nakalutang habang nakalugay ang buhok sa lapag.
Pero, ikinukumpara naman ng mga netizens ang uplift sa isang sculpture sa Virgins of Apeldoorn sa Netherlands.
Giit naman ni Cacnio, na hindi nito ginaya ang nasabing sculpture na nasa ibang bansa dahil sarili daw nitong ideya at gawa ang uplift lalo na’t may malaking pagkakaiba ang mga ito.
Hindi din daw siya gulity sa plagiarism at kaniya din ipinaliwanang na hindi pa niya nakikita ang sculpture sa Netherlands maging ang artist na gumawa nito.
Facebook Comments