Isa ang patay, 2 ang sugatan nang binaril ang mga miyembro ng PNP at Phil. Army sa Socorro, Surigao Del Norte

774

Isa ang patay, 2 ang sugatan nang binaril ang mga miyembro ng PNP at Phil. Army sa Socorro, Surigao Del Norte. Kinilala ang namatay na si Bienvinido Liquido Jr na hinuli ni SP02 Richard Taruc ng PNP Socorro kasama ang isang Richard Makinano dahil sa pagsusuot ng battle dress uniform ng Phil. Army at sa sumbong na may dalang baril na kalaunang air soft lamang pala. Diumano’y sumakay ng patrol car si Makinano ngunit pumasok sa bahay niya si Liquido at noong lumabas, may dalang .45 kalibre ng baril. Pinutukan nito ang mga otoridad, tinamaan sina SSg Omar Pansar and Cpl Reginaldo Malaya na noong mga oras na iyon, sumama sa pagberipika kung totoong Phil. Army ang dalawang hinuli. Sa naturang pangyayari, gumanti ang tropa ng militar at nabaril si Liquido, dinala din kaagad sa Siargao District Hospital ngunit ideneklarang dead on arrival.
Si SSg Panar ang tinamaan sa bewang samantalang si Cpl Malaya sa dibdib,pawang nasa ligtas nang kalagayan.
Narecover sa pinangyarihan ang isang Cal.45 pistol (SAM Elite Model) at airsoft rifle.

Sent from my iPhone

Facebook Comments