Asawa ng NDFP consultant na si Randy Echanis, nanawagan sa mga pulis na ibalik ang bangkay ng kanyang asawa

66

Nanawagan sa mga otoridad ang may-bahay ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Peace Consultant at Anakpawis Chairperson Randy Echanis na ibalik na ang bangkay ng kanyang asawa.


Kung maalala, Lunes ng madaling araw, natagpuan ang bangkay ng dalawang lalaki sa isang paupahan sa Novaliches, Quezon City kung saan sa inisyal na impormasyon, sila ay namatay sa saksak mula sa hindi nakilalang mga suspek.

Ayon kay Erlinda Echanis, dapat hayaan na lang silang magluksa at huwag na silang gipitin.

Maaari naman anila magsawa ng imbestigasyon ang mga pulis kahit nasa kanila ang bangkay at gawing prayoridad kung sino ang nasa likod ng pagpatay.

Sa ngayon, matapos kunin, dinala sa Pink Petals Memorial Homes sa Laloma ang mga labi at bantay sarado ito ng mga otoridad.

Samantala, sa panig naman ng mga pulis kailangan munang mapatunayan kung talagang bangkay ito ni Randy Echanis bago makuha nila Ginang Erlinda.

Una nang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Debold Sinas na tutukuyin sa pamamagitan ng DNA test kung ito ba talaga ang katawan ni Ka Randy.




Facebook Comments