War on drugs, mananatiling mabagsik – PNP

219

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mananatiling mabagsik ang kampanya kontra ilegal na droga.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – patuloy nila pagtitibayin ang kanilang mga kapabilidad at istratehiya para mapuksa ang mga salot sa lipunan.


Aniya, handa ang kapulisan na paigtingin pa ang laban sa lahat ng uri ng karahasan.

Paniniguro rin ni Albayalde na hindi nila kukunsintehin ang mga pulis na masasangkot sa ilegal na droga.

Sa huling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), umakyat na sa 5,050 drug suspects ang napatay sa mga anti-drug operations.

Facebook Comments

From Advertisers