Asean Basketball League, tuluyan nang kinansela

Tuluyan nang kinansela ng Asean Basketball League (ABL) ang ika-sampung season nito ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa anunsyo ng liga, plano nilang bumalik sa susunod na taon para naman sa kanilang ika-11th season matapos konsultahin ang mga kuponan.

Nabatid na naapektuhan ang liga sa ipinatupad na lockdown kaya kinansela na lamang ng mga opisyal nito ang kasalukuyang season.


Matatandaang noong March 13, 2020 nang kanselahin ang mga laro matapos na ipatupad ang lockdown sa maraming bahagi ng bansa.

Facebook Comments