ASEAN leaders, nagkasundong magkatuwang na labanan ang post pandemic transnational crime

Nangako ang mga lider ng ten-member Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magkatuwang na labanan ang transnational crime sa post COVID-19 era.

Iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na sa katatapos lang na virtual meeting ng 15th ASEAN Ministerial Meeting on Transnational Crime, nabuo ang isang ASEAN cooperation para harapin ang banta ng transnational crime na sumusulpot sa panahong may kinahaharap na pandemya dulot ng COVID-19.

Kabilang sa mga criminal activity na ito ay illicit drug trafficking, trafficking in persons, smuggling of goods, people and weapons, forgeries of identification, health certificates and travel documents.


Ani Año, isang joint statement ang pinagtibay ng mga ASEAN minister para sa kooperasyon ng mga ASEAN law enforcement unit na magmo-momitor sa mga transnational crime.

Kabilang sa kooperasyon ang palitan ng impormasyon at mga good practices sa bagong paraan ng pagtukoy sa modus operandi at sa implementasyon ng regional action plans at work plans.

Facebook Comments