ASEAN Summit sa Nobyembre, pinaghahandaan na

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na ngayon palang ay naghahanda na ang pamahalaan para sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit.

Sa Nobyembre kasi gagawin ang pulong ng mga ASEAN Heads of States at mga heads of states ng mga dialogue partners ng ASEAN.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, bukod sa 9 na State leader na miyembro ng ASEAN ay inaasahang darating sa Nobyembre ang mga leader ng Estados unidos ng America, Russia, China, Japan, Australia, New Zealand, at India kaya puspusan narin ang paghahanda ng National Organizing Committee ng ASEAN para matiyak na magiging maayos ang mga gaganaping aktibidad.


Sinabi din ni Andanar na bukod sa aktibidad sa Nobyembre ay magkakaroon din ng ASEAN Film Festival na gagawin sa Quezon City sa Setyembre.

Matatandaan na sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na umani ng pagbati si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa mga Foreign Ministers dahil sa matagumpay na pagdaraos ng ASEAN 50th Ministerial Meeting nitong mga nakaraang araw.

Facebook Comments