Simula na ng panahon ng Kwaresma ng simbahang Katolika.
Ngayong araw (March 6) ang “Ash Wednesday” na naghuhudyat ng 40-araw na panahon ng pag-aayuno at penetensya hanggang sa dumating ang Pasko ng Pagkabuhay.
Ayon kay CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles – ang paglalagay ng abo sa noo ay pagpapaalala na dapat tayong magbalik loob sa Diyos.
Sabi pa ni Valles, dapat samantalahin ang biyayang kaloob ng Kwaresma para maging masaya sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay.
Facebook Comments