ASIAN GAMES | Pilipinas, umabot sa pang-19 na pwesto

Jakarta, Indonesia – Umabot sa pang-labing siyam na pwesto ang Team Philippines sa katatapos lang na 2018 Asian Games na ginanap sa Indonesia.

Nakasungkit ang Pilipinas ng 21 medalya kung saan apat dito ay gold medals, dalawang silver at 15 bronze medals.

Ikinatuwa naman ng Philippine Olympic Committee ang naging resulta pero aminado sila na kahit na naging maganda ang performance ng mga atleta, marami pa din daw ang dapat na i-improve.


Ang pang-19 na pwesto ng Pilipinas ay mas mataas kumpara noong 2014 na nasa ika-22 na ranggo.

Facebook Comments