MAY FOREVER! | Makisig Morales, engaged na

68

Engaged na ang dating child star na si Makisig Morales sa kanyang girlfriend na isang beauty queen.

Sa instagram post ni Miss Earth Australia Charity 2017 Nicole Watts, ipinakita nito sa dinner date ginawang pag-alok sa kaniya ng kasal ni Makisig.

Makikita din sa post ang engagement ring at ang isang dessert plate kung saan nakasulat ang “Will you marry me?”

Sa post naman sa instagram account ni Makisig ay pormal na nitong ipinakilala si Nicole bilang kanyang fiance.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na detalye ang dalawa ukol sa kanilang kasal pero happy ang thankful sila sa isa’t-isa.

Facebook Comments