Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Purificacion, hindi niya lubos akalain na mapipili siya at tatanggap ng naturang parangal na tanging adhikain lamang umano talaga nito ang makatulong sa kanyang kapwa lalo na sa mga higit na nangangailangan.
Para sa kanya, masaya sa pakiramdam na kinilala ang kanyang naging ambag sa kanyang mga nagawa sa kanilang lugar lalo na sa mga kabataan.
Proud rin aniya ang kanyang pamilya sa mga achievement nito sa buhay mula sa pagbibigay ng serbisyo publiko.
Pagmamalaki pa ni Purificacion na isa sa kanyang mga iprinesentang dokumento ang sertipikasyon na kanyang natanggap mula sa 98.5 iFM Cauayan at Radio Mindanao Network noong kasagsagan ng pandemya kung saan, kinilala ang kanyang ambag sa pagbibigay ng libreng tinapay sa mga frontliners.
Iniaalay aniya nito ang tatanggapin na award sa kanyang pamilya at mga ka-barangay dahil sa kanilang suporta,tiwala at pagbibigay ng pagkakataon na maging kinatawan ng mga Kabataan sa kanilang lugar.
Kamakailan nga lang ng makatanggap rin ito ng award na “One of the Ten Most Outstanding Kabataang Cauayeño 2022”.
Isa lamang si Purificacion sa mga tatanggap ng prestihiyosong award mula sa bumubuo ng Asia’s Golden Icons Awards <www.facebook.com/GoldenIconsAwards/?__cft__%5b0%5d=AZVh_0C5qO65kZ3yS9FVI4i4HDAeZQThtBX4oJAsih0j3bSWShxVZR7BAzPlOAR0UQXZw3lnT-Rz1Vo96EPJ86HlcJfNK5OmSGYnDhPwodDQIJ-xU16dmVPgyMBvt6Gm3QhbRJRHfpaE5RdE3z…> na nakatakdang idaos sa Okada Manila sa darating na June 28, 2022.
Hinimok naman nito ang mga Kabataan na mag-aral nang Mabuti para sa mas magandang kinabukasan.
Ang Asia’s Golden Icons Awards <www.facebook.com/GoldenIconsAwards/?__cft__%5b0%5d=AZVh_0C5qO65kZ3yS9FVI4i4HDAeZQThtBX4oJAsih0j3bSWShxVZR7BAzPlOAR0UQXZw3lnT-Rz1Vo96EPJ86HlcJfNK5OmSGYnDhPwodDQIJ-xU16dmVPgyMBvt6Gm3QhbRJRHfpaE5RdE3z…> ay isang pagkilala sa mga taong ay nagpakita ng kahusayan sa kanilang area of expertise.