PAGLALAGAY NG CCTV SA KAKALSADAHAN MALAKING TULONG UPANG MARESOLBA ANG HIT AND RUN AYON SA PRO1

20
Malaking tulong umano ang paglalagay ng CCTV sa mga kakalsadahan upang agarang maresolba ang mga hit and run cases.
Ito ay may kaugnayan sa hit and run case ng isang security guard na sinagasaan habang nagmamando ng trapiko.
Ayon kay Information Officer PLTCOL. George Depalog Jr., malaki ang naitutulong ng CCTV upang magkaroon agad ng lead ang kanilang hanay sa paghahanap ng suspek.

Samantala, binigyang diin din nito na ang kanilang serbisyo ay pantay pantay mahirap man o mayaman. | ifmnews
Facebook Comments