Aso – nagpakitang gilas sa pagda-drive ng mini motorcycle

California – Instant celebrity ngayon ang isang aso sa San Diego, California.

Noong linggo, nag-viral sa social media ang video ni Chopper, ang 8-year old Boston Terrier habang sakay sa kanyang mini motorcycle.

Makikita rin sa video kung paano siya panuorin ng mga kapwa niya aso habang nagmamaneho.


Hindi naman malinaw kung si Chopper ang mismong nagkokontrol sa kanyang motorsiklo o ang kanyang amo gamit ang remote control.

Facebook Comments