Aso, patay matapos iligtas ang isang pamilya mula sa sunog

Brandenton Florida – Ikinalungkot ng isang pamilya mula Florida ang pagkamatay ng kanilang alagang aso matapos sila nitong iligtas mula sa nasusunog na bahay.

Ayon sa report, nagsimula raw tumahol nang tumahol ang alagang aso na isang Jack Russell terrier na may ngalang ‘Zippy’ sa kalagitnaan ng gabi.

Nasusunog na pala ang naturang bahay at mahina umano ang pagtunog ng alarm ngunit nagising ang pamilya dahil sa tahol ni Zippy.


Ayon kay Leroy Butler, ang ama ng nasabing tahanan, kumakalat na raw ang apoy sa kanilang sahig nang magising ito.

Ani niya, “I’m running through fire trying to get them out of there.”

Agad silang nakalabas ng bahay at saka tumawag sa 911 para makahingi ng tulong.

Nguniot napansin na lang nilang may kulang sa miyembro ng pamilya nang makalabas sila sa nasusunog na bahay.

Pahayag ng Bradenton Fire Department, mag aalas dos na ng madaling araw nang makarating ang rescue at bandang 2:16 am nang maapula nila ang apoy.

At dito natagpuan na lang ang walang buhay na si Zippy.

Ayon kay Butler, alaga na raw nila ang aso sa loob ng halos apat na taon.

Sabi niya, “He was real helpful and we’re going to miss him.”

Laking pasasalamat ng pamilya nang dahil sa tahol ni Zippy, buhay pa rin sila hanggang ngayon.

Ayon naman sa imbestigasyon, nagsimula raw sa ‘attic’ ng bahay, malapit sa aircon ang sunog.

Facebook Comments