Asong nakikipagtalik, binuhusan ng mainit na tubig sa Nueva Vizcaya

Isang aso ang kaawa-awa matapos buhusan ng bagong kulong tubig ng hindi pa nakikilalang residente sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Ayon sa isang nakasaksi, nakita na lang daw niyang binuhusan ng isang residente ang aso matapos nitong maaktuhan ang pakikipagtalik nito sa kapwa aso.

Lapnos at nalagas ang buhok sa ibabang bahagi ng katawan ng naturang aso dahil sa tindi ng pagkakapaso nito.


Pinag-aaralan naman ng mga kapitbahay ang pagsasampa ng kaso sakaling malaman ang pagkakakilanlan ng salarin.

Facebook Comments