Nawawalang combat shoes, dahilan ng pambubugbog sa kadete ng PMA – Baguio Police

4014
Image from Ruth Duplito Dioso

Isinapubliko na ng Baguio City Police Office (BCPO) ang umano’y sanhi ng matinding pambubugbog kay PMA Fourth Class Cadet Darwin Domitorio ng kaniyang mga upperclassmen.


Pahayag ni Col. Allen Rae Co, hepe ng Baguio Police Provincial Office, makailang beses ginulpi si Dormitorio dahil sa nawawalang combat shoes ng kasamahang plebo.

Batay sa huling imbestigasyon, pagmamay-ari ni Cadet 1st Class Axl Ray Sanopao ang sapatos at ipinatago niya umano ito sa yumaong kadete.

Nang madiskubre ni Sanupao na nawala ang combat boots, “ipinaubaya” niya si Dormitorio kina 3rd class cadets Shalimar Imperial at Felix Lumbag Jr.

Nakasaad din na sworn statement ng mga saksi na pinarusahan ang biktima sa silid ng isa sa mga suspek.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ang mga plebong sangkot sa susunod na linggo.

Nitong Miyerkules, inihatid na si Dormitorio sa kaniyang huling hantungan sa Cagayan de Oro City, kung saan binigyan siya ng full military honor.




Facebook Comments