Sanggol, patay nang hindi masalo ng kumadrona

Nasawi ang bagong silang na sanggol matapos aksidenteng mahulog sa timba nang hindi masalo ng kumadrona sa isang health center sa Zamboanga City.

Ayon sa ama ng sanggol, hindi raw nasalo ng kumadrona ang bata dahil pinagagalitan raw sila nito nang mga oras na iyon.

Hindi raw kasi sila nagpa-prenatal check up sa naturang center.


Ayon naman sa imbestigasyon ng City Health Office, hindi raw umano nagpabaya ang kumadrona at naghahanda na raw ito nang biglang lumabas ang sanggol.

Giit pa nila, maaaring overdue na ang bata.

Samantala, wala namang planong magsampa ng kaso ang pamilya ng sanggol at nangako namang tutulong ang health office ng siyudad sa magagastos sa pagpapalibing nito.

Facebook Comments