Baguio, Philippines – Hanapbuhay ng Jeepney Drivers, Maapektuhan.
Ito and dahilan kung bakit walang pasok sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan, kasama ang mga empleyado ng gobyerno sa buong bansa ngayong araw, Oktubre 16, 2017.
Nagtipon ang iba’t ibang grupo sa mga pangunahing lansangan sa lunsod kasama ang kahabaan ng Session Road.
Umaapela ang mga driver at operator na huwag ituloy ang napipintong phase-out ng mga lumang jeepney na kanilang pangunahing ikinabubuhay. At hindi nila kakayaning kumuha ng bagong unit na ibibiyahe.
Sa parte naman ng gobyerno, mas makabubuti na ma-phase-out na ang nasabing mga sasakyan dahil sa nakasasama na ito sa kapaligiran at delikado na rin para sa mga pasahero dahil sa kalumaan.
Matatandaang may mga bagong pampublikong sasakyan ang naipakita na sa publiko ng Department of Transportation (DoT), mas malaki at moderno kumpara sa lumang ginagamit ngayon.
Kung kayo ang tatanungin, dapat na bang ma phase-out ang mga lumang jeep?