Manila, Philippines – Napigilan ng Thailand police ang assassination attempt ng isang grupo laban kay Thailand Prime Minister Prayuth Chan-Ocha.
Kinumpirma ni Thai National Police Jakthip Chajinda ang tangkang pagpatay matapos nilang salakayin ang bahay ng magsisilbing assassin na miyembro umano ng ‘red shirt movement,’ isang anti-junta group na konektado sa exiled leader na si Prime Minister Thaksin Shinawatra.
Ayon sa mga otoridad, nabawi nila ang bulto-bultong mga armas at bala sa bahay ng ‘red shirt leader’ na si Wuthipong Kochatmakun, na nagtatago sa batas mula nang maganap ang kudeta sa kanilang bansa.
Bukod sa mga baril, granada at bala, siyam na iba pa ang hinuli ng mga otoridad.
Taong 2014 nang patalsikin sa pamamagitan ng kudeta ni Chan-Ocha ang dating Prime Minister ng Thailand na si Shinawatra.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
Photo from: http://www.phnompenhpost.com/
Facebook Comments