Assessment sa Marawi crisis, hinihingi ng isang kongresista

Manila, Philippines – Hiniling ni House Committee on National Defense and Security Senior Vice Chairman Ruffy Biazon na magkaroon ng assessment ang gobyerno kung paano nagsimula at natapos ang bakbakan sa Marawi.

Giit ni Biazon, mahalagang matukoy kung mayroong failure of intelligence sa panig ng pamahalaan upang mapanagot na rin ang mga nagkulang dito.

Malalaman din sa pamamagitan ng assessment kung ano ang maaaring gawin para hindi na maulit ang madilim na kabanata ng Marawi.


Pinasisilip din ang insidente ng pagkamatay ng ilang miyembro ng tropa ng pamahalaan sa dalawang beses na nangyaring friendly fire.

Ilan lamang aniya ito sa mga dapat ikunsidera ng pamahalaan lalo`t idineklara nang tapos ang opensiba ng militar sa Marawi City.

Facebook Comments