Clearing operations sa Marawi City, pinamamadali ni Senator Binay

Marawi City – Pinamamadali na ni Senator Nancy Binay Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang clearing operations sa loob ng mga apektadong barangay, lalong-lalo sa main battle area, sa Marawi City.

Ayon kay Senator Binay, ito ay para masimulan na agad ang reconstruction at rehabilitation sa Marawi City matapos ang 5-buwang pagdanas ng karahasan sa kamay ng teroristang grupong Maute.

Ayon kay Senator Binay, mahalaga ang dagdag na Explosive Ordinance Dispossal (EOD) Units o bomb squads sa isinasagawang clearing operations para masuyod, kung mayroon mang iniwan na pampasabog o mga patibong ang Maute fighters.


Diin ni Senator Binay, dapat matiyak ang kaligtasan ng lahat ng magtatrabaho para sa rehabilitasyon ng lungsod.

Facebook Comments