ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR NG LTO REGION 2, SINUSPINDE

CAUAYAN CITY – Agad na sinuspinde sa kanyang puwesto ang Assistant Regional Director ng Land Transportation Office (LTO) Region 2 na si Manuel Baricaua matapos umano itong masangkot sa insidente ng pananakit sa isang okasyon sa lungsod ng Tuguegarao.

Ang insidente ay agad na umani ng kritisismo mula sa publiko matapos mag-viral sa social media ang video kung saan makikitang sina Baricaua at Chief Enforcer Charles Ursulum ay nananakit ng dalawang lalaki sa gitna ng isang programa sa loob ng hotel sa Tuguegarao.

Kinumpirma ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang nasabing hakbang, at ipinaliwanag na bahagi ito ng kanilang standard operating procedure upang masiguro ang patas at maayos na proseso habang ginugulong ang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments