
Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ang mas pinatibay na ugnayan ng kapulisan at mga paaralan para bantayan ang kaligtasan ng mga estudyante kontra bullying at iba pang krimen ngayong pagbubukas ng klase sa buong bansa.
Ayon kay Gen. Torre, hindi palalagpasin ng PNP ang anumang banta sa mga kabataan sa loob man ng eskuwela o sa labas lalo na tuwing uwian.
Hinimok din ni Torre ang publiko na gamitin ang 911 emergency hotline sa pag-uulat ng bullying o anumang kahina-hinalang insidente na maaaring makapinsala sa mga mag-aaral.
Samantala, kanina ay pinuntahan ni Torre ang ilang paaralan sa QC para sa Oplan Balik Eskwela.
Kabilang sa mga ininspeksyon ni Torre ay ang Batasan High School, President Corazon Aquino Elementary School at Commonwealth Elementary School.
Layon nitong tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral kasabay ng pagbubukas ng klase sa bansa.