
CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Cauayan City Police Station ang kaligtasan ng mga estudyante ngayong pagsisimula ng pasukan.
Sa nagging panayam ng IFM News Team kay Police Major Rufo Pagulayan, Deputy Chief of Police ng PNP Cauayan, may mga naitalaga umanong police personnels sa mga paaralan upang matiyak na maayos at ligtas ang unang araw ng pasukan. Bukod dito, mayroon din umanong mga assistance help desk na maaaring mag-assist sa mga estudyante, magulang at faculty, katuwang ang mga barangay. Bukod dito, magkakaroon din umano ng pagronda sa mga eskwelahan ng mga bike patrollers at mobile patrols.
Ibinahagi rin ni Police Major Pagulayan na kamakailan din ay nagkaroon ng pagpupulong ang iba’t ibang ahensya tulad ng Public Order and Safety Division (POSD) at PNP upang talakayin ang seguridad ng mga-aaral at upang bigyang pansin ang mga identified traffic areas sa lungsod lalo na ngayong pasukan kung saan magiging katuwang ng POSD ang kapulisan upang mabawasan ang traffic.
Nagpaalala naman ito sa mga magulang na maging maingat at laging alerto dahil sa mga ganitong panahon ay maraming masasamang loob ang maaaring mag-take advantage sa sitwasyon. Pinayuhan niyan rin ang mga magulang na pagsabihan ang kanilang mga anak na hwag lumabas ng paaralan kung hindi pa oras ng uwian upang makaiwas sa mga aksidente at iba pang hindi magandang pangyayari.
Panuorin ang kanyang naging pahayag:CLICK HERE!