Associated Labor Unions, pinaaksyunan sa DA at DTI ang tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin

Pinaaaksyunan ng Associated Labor Unions Sa Department of Agriculture (DA) at sa Department of Trade and Industry (DTI) ang di-pangkaraniwang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Hiniling ng labor group na gumawa ang mga ito ng aksyon para maproteksyunan ang kapakanan ng mga consumers.

Ayon kay ALU National Executive Vice President Gerard Seno, lubhang naapektuhan ang mga manggagawa na tumatanggap lang ng minimum na sahod.


Nangyari umano ito sa kabila ng 60-day price freeze na ipinatupad ng pamahalaan sa mula noong November 18, 2020 hanggang January 17, 2021.

Sabi ng labor grpup dapat mas paigtingin pa ng DA at DTI ang kanilang mandato sa price regulation at parusahan ang mga nananamantalang negosyante.

Facebook Comments