Inilista ng World Health Organization (WHO) ang COVID-19 vaccine ng AstraZeneca at Oxford University para sa emergency use.
Layunin nitong magkaroon ng malawak na access sa bakuna sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ayon kay WHO Director General Tedros Adhamon Ghebreyesus, ngayong may nakalatag na para sa mabilis na distribusyon ng bakuna, ang kailangan na lamang ay mapadali ang produksyon ng bakuna.
Batay sa interim recommendations ng WHO sa bakuna, ang dalawang doses ng bakuna na may pagitan ng walo at 12 linggo ay maaaring iturok sa lahat ng adults.
Pwede ring gamitin ito laban sa South African variant.
Pinuri ang AstraZeneca-Oxford vaccine dahil sa mura at mabilis itong maipamahagi kumpara sa mga kalaban nitong bakuna tulad ng Pfizer-BioNTech.
Facebook Comments