AstraZeneca vaccines, inaasahang darating sa bansa sa second semester ng taon

Inaasahang darating sa bansa sa second semester ng taon ang 17 million doses ng Oxford-AstraZeneca vaccine.

Ito ay matapos maselyuhan ng pamahalaan, business sector at Local Government Units (LGUs) ang kasunduan para sa vaccine supply nito.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang 17 million doses ng AstraZeneca ay naselyuhan sa pamamagitan ng donasyon ng higit 300 kumpanya at alokasyon ng LGU.


Kaya nitong mabakunahan ang higit-kumulang 8.5 million na Pilipino.

Iginiit din ni Galvez na ang tripartite agreement ay bahagi ng hakbang ng gobyerno para mabakunahan ang nasa 50 hanggang 70 milyong Pilipino.

Paliwanag ni Galvez, ang vaccine procurement ay naaayon sa regulasyon ng World Health Organization (WHO) kung saan ang gobyerno ang kokontrol dito.

Facebook Comments